Ang gabi ay madamot,
Dito sa aking higaan ay nayayamot
Dahil si Luna ayaw tumigil
Sa kanyang walang patid na pangungulit,
Ilang ulit ng pinikit,
Ang mga matang nanakit
Dilat buong araw
Paningin nga'y 'di na malinaw.
Himig ng gabi
Patulugin ako ng iyong Uyaye
Sa maghapong nakabukang mga mata
Sana ngayong gabi ay makakapikit na.
No comments:
Post a Comment