Saturday, September 1, 2012

Buwan ng Agham at Matematika



Ang buwan ng Setyembre ay nakalaan sa pagdidiwang ng Buwan ng Agham at Matematika. Ako at ang aking mga studyante sa kolehiyo ng sining at edukasyon ay naglaan ng iba't ibang gawain para sa nalalapit na pagdiriwang.
Sa pagnanais na maisama sa pagdiriwang ang kaalamang lokal, napag-isipan namin na gamitin ang ilang kagamitang at larong Pilipino sa iilang paligsahan.
Ang tema ng nalalapit na pagdiriwang ay "Pag-unawa sa Ekolohiyang Limbag natin Tungo sa mas Berdeng Ekonomiya"
Sa lahat ng mga paligsahan, ang kinaabangan ng lahat ay ang Karera gamit ang Agham at Matematika. Sa larong ito gumamit kami ng mga kagamitang  Pilipino tulad ng bolang yari sa dahon ng niyog, bunot, at sago.
Ilan sa mga laro na aming sinama at inahalintulad ay ang tumbang preso at karerang kudkuran. Ang mga larong ito ay may mga mekanikang gumagamit ng Agham at Matematika. 
Ang ibang paligsahan tulad ng paggawa ng katawang palamuti ay may mekanikang dapat gumamit lamang ng mga katutubo at bagay na maari pang eresiklo. Higit sa lahat ay aking pinakaabangan ay ang paligsahang tinawag namin na "Banda Basura". Ito ay aking hinango sa nakita ko sa lakbay-aral natin sa Semarang, Indonesia. Sila ay gagawa ng tugtugin gamit lamang ang mga kagamitang binabasura na subalit maari pang pakinabangan. Kami ay maghahanda ng mga kakaning Pilipino para sa meryenda ng aming mga hurado.
Sa aming munting paraan kami ay masayang isama ang ilan sa ating lokal na kaalaman. :)

No comments:

Post a Comment